The toughcookie’s Blog

**kumakain ka ba ng aratilis?

**nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipan mo sa binilog na tanggkay ng walis tingting?

**pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at di ka
papayagan maglaro pag di ka natulog?

**marunong ka magpatintero, saksak puso,langit- lupa,
teleber-teleber, tumbang preso, luksong tinik? malupit ka pag meron
kang atari, family computer or nes?

**alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left, right,
left, right, a, b, a, b, start?

**may mga damit ka na
U.S.E.D., Boy London, Cross Colors, Esprit, Blowing
Bubbles at pag nakakakita ka ng Bench na damit eh
naalala mo si Richard Gomez?

**addict ka sa rainbow brite, carebears, my little
pony,thundercats, bioman, voltes v, mazinger z, daimos,
he-man at marami pang cartoons na hindi pa translated
sa tagalog?

**marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na talaga ng
5.25 na floppy disk?

**nung high school ka inaabangan mo lagi beverly hills
90210?

**gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo?

**meron kang blouse na may padding kung babae ka at meron
kang sapatos na mighty kid kung lalake ka?

**nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka
magpa pirma sa slumbook mo para lang malaman mo kung
sino ang crush ng type mo?

**kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls?
e si luning-ning at luging-ging?

**idol mo si McGyver at nanonood kang Perfect Strangers?

**eto malupet… six digits lang ba ang phone number nyo
dati?

**nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bentesingko lang
ang dala?

**cute pa si Aiza Seguerra sa Eat Bulaga at alam mo ang
song na “eh kasi bata”?

**inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass
bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo
sa ref?

**meron kang pencil case na maraming compartments
na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo?

**noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory?

**sa pencil case, ganun na nga, yabangan kung sino mas maraming compartments. at sa eraser pa pala, kung sino mabango.hahaha

**alam mo lyrics ng “tinapang bangus” at “alagang-alaga
namin si puti”?

**sosyal ka pag may play-doh ka at Lego…
at nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba pa
ang mukha ni barbie noon?

**inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung
diyes na square?

**meron kang kabisadong kanta ni Andrew E. na alam mo
hanggang ngayon… aminin?

**laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan
ka?

**bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble gum…
tira-tira, at yung kending bilog na sinawsaw sa asukal?

**takot ka dumating ang year 1999 dahil sabi nla
magugunaw daw ang mundo?

**DIBA .75 CENTAVOS PA LANG PAMASAHE SA JEEP NUN AT MAS
MASARAP ANG MELLOW YELLOW KESA MOUNTAIN DEW?

haii..nice naman sarap balik-balikan ..nakakamiss maging bata..:D

Archives